PABAHAY | Awarding ceremony ng mga pabahay para sa mga pulis, sundalo – dadaluhan ni PRRD

Makukuha na ng mga sundalo at ng mga pulis ang pabahay na ipinagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ito kapalit ng mga pabahay na nakuha ng mga miyembro ng grupong Kadamay.

Sa official schedule ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ay pangungunahan nito ang awarding ng pabahay para sa mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Bulacan.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay ginawa ang groundbreaking ceremony sa pagpapatayo ng 1,000 housing units sa Bulacan na may sukat na 120 square meters.


Mas malaki ang mga pabahay na ito kung ikukumpara sa mga pabahay na kinuha ng mga miyembro ng Kadamay noong 2017 sa Pandi Bulacan.

Matatandaan na nangako si Pangulong Duterte sa mga sundalo at pulis na papalitan niya ng mas magandang pabahay ang mga nakuha ng Kadamay.

Facebook Comments