MANILA – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabibigyan na bahay ang lahat ng mga naging biktima ng Supertyphoon Yolanda bago matapos ang taon.Ito ang sinabi ng Pangulo matapos pangunahan ang paggunita ng ikatlong taon ng pagtama ng Supertyphoon Yolanda sa Tacloban, Leyte.Ayon sa Pangulo, inatasan na niya si Presidential Assistance to the Visayas Mike Dino para tutukan ang pagpapatayo ng mga bahay.Samantala, ibinalik naman ng Pangulo ang Alunan Doctrine kung saan lilimitahan ang bilang ng mga police bodyguards sa mga local officials.
Facebook Comments