PABOR | Imbestigasyon ng International Criminal Court sa war on drugs, walang problema sa PNP

Manila, Philippines – Pabor para sa Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ng International Criminal Court ang war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, sa imbestigasyon matutukoy ng ICC na wala silang nilalabag na batas sa pagpapatupad ng kampanya kontra ilegal na droga.

Sinabi pa ng opisyal na mapapatunayan sa imbestigasyon ng ICC na mali ang kanilang mga hinalang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umanoy nangyayaring Extra Judicial Killings sa bansa.


Dahil para kay Dela Rosa isang kagaguhan kung maguutos ang Pangulong Duterte pumatay ng Pilipino lalot malapit ito sa kanyang puso.

Tiniyak rin ni Dela Rosa na makikipagtulungan sila sa gagawing imbestigasyon.

Facebook Comments