PABOR | Opisyal ng CBCP, pabor sa mandatory drug test para sa mga batang 10-anyos pataas

Manila, Philippines – Pabor si San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari na napapanahon ang plano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isalang sa mandatory drug test ang mga batang may edad 10 pataas.

Paliwanag ni Mallari, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Episcopal Commission on the Catechesis and Catholic Education (ECCCE) nakakabahala na rin kasi ngayon ang suliranin sa iligal na droga.

Aniya, masyadong malalim ang problema sa bansa kung saan ay apektado na rin ang mga kabataan.


Kasabay nito, hinikayat ni Mallari ang mga opisyal ng PDEA na gumawa ng paraan upang maipaliwanag sa mga guro at magulang ang kanilang plano.

Una nang sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na nasa plano na nila ang mandatory drug test sa mga batang mag-aaral pero ito ay dadaan pa sa dayalogo kasama ang mga magulang at mga opisyal ng Department of Education (DepEd).

Sa Ilalim kasi ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, tanging ang mga mag-aaral sa high school at college lamang ang pwedeng sakupin ng random drug testing ng pamahalaan.

Facebook Comments