Manila, Philippines – Malaking tulong ang inilaang pabuya ng Pangulong Rodrigo Duterte para tuluyan malinis ang hanay ng Philippine National Police (PNP) sa mga tinatawag na ninja cops.
Ito ay matapos na ianunsyo ng Pangulo na magbibigay siya ng 5 milyong piso sa sinumang makapagdadala sa kanya ng bangkay ng isang ninja cops habang 10 libong piso naman ang pabuya para sa makapaghaharap sa kanya ng ninja cops.
Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana, sa pamamagitan ng pabuya mas mapapadali o mas mas magiging epektibo ang internal cleansing program ng PNP.
Maging ang mga matitinong pulis kasi aniya ay mahihikayat na isumbong ang mga kasamahan nilang patuloy na gumagawa ng katiwalian.
Batay sa datos ng PNP mula July 1, 2016 hanggang July 31, 2018, umabot na sa 267 na mga police personnel ang nasibak na sa pwesto dahil sa paggamit ng iligal na droga habang 95 naman ay tinanggal rin sa pwesto dahil rin sa mga kasong may kinalaman rin sa iligal na droga.
Ang mga ito ay may mga ranggong mula police officer 1 hanggang police officer 3.