Pabuya sa pagkakapatay kay Omar Maute at Isnilon Hapilon, hindi pa tiyak kung kanino mapupunta

Manila, Philippines – Hindi pa matiyak ng Armed Forces of the Philippines kung kanino mapupunta ang pabuya sa dalawang napatay na lider ng Maute-ISIS Group.

Ayon kay AFP Brig. Gen. Restituto Padilla, 5 million dolyar ang reward para kay Isnilon Hapilon habang 10 million piso naman ang patong sa ulo ni Omar Maute.

Aniya, ginawa lamang ng mga sundalo ang kanilang trabaho para mailigtas ang mga hostages at hindi iniisip ang pabuya.


Gayunman, hindi naman masabi ni Padilla kung dapat bang ibigay sa mga sundalong nakapatay nina Maute at Hapilon ang reward, sa mga pulis, o sa taong nakapagturo kung saan nagtago ang mga terorista.

Sina Hapilon at Maute ay napatay matapos ang apat na oras na bakbakan sa battle field sa Marawi City.

Facebook Comments