Binuwag na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at Office of the Cabinet Secretary.
Batay sa inilabas na Executive Order no. 1, inutos ni Pangulong Marcos ang paglilipat ng kapangyarihan at trabaho ng PACC sa Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs.
Nilinaw naman sa EO na itutuloy pa rin ng Malacañang ang mga kasong hinawakan ng PACC.
Bukod sa PACC, binuwag na rin ang Office of the Cabinet Secretary at lahat ng trabaho nito ay ilalagay sa direct control at supervison ng Presidential Management staff.
Pinasisiguro naman ng pangulo na lahat ng mga maaapektuhan personnel sa abolition ng nasabing mga opisina ay mabibigyan ng kaukulang benipisyo batay sa ipinag-uutos ng batas.
Samantala, sa hiwalay na Executive Order no. 2 ay utos naman ni Marcos na i-reorganize at palitan ng pangalan ang Presidential Communication Operations Office patungong Office of the Press Secretary ngunit pareho pa rin ang magiging trabaho nito.