PACC, naglunsad ng hotline para tumanggap ng mga sumbong at reklamo hinggil sa mga mapang abusong local gov’t officials

 

Maaari ng magtext o tumawag sa hotline ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang publiko para magsumbong ng mga hindi nagttrabaho at mapang abusong local chief executives

Sa laging handa public press briefing sinabi ni PACC Commissioner Greco Belica na nakatutok sila ngayon sa ginagawang pagtugon ng mga lgus laban sa COVID-19.

Ayon kay Belgica ang kanilang facebook at messenger accounts ay 24 oras na bukas sa mga sumbong na direkta mismong nagmumula sa publiko.


Maari din aniyang mag email sa kanila sa pacc.complaints@gmail.com at tumawag sa kanilang hotline na 09066927324.

Una nang sinabi ni Belgica na gagawa sila ng ulat at rekomendasyon para kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga pasaway na ahensya at direkta rin silang nakikipagugnayan sa mga department heads.

Pakiusap ni Belgica sa lahat ng kawani ng gobyerno, partikular ‘yung mga mismong nasa distribusyon ng ayuda ng pamahalaan sa publiko, ibigay ng tama ang tulong ng pamahalaan, huwag patagalin at huwag rin itong bawasan.

Sa oras kasi aniya na gawin nila ang mga paglabag na ito sa gitna ng umiiral na State of Calamity sa buong bansa, tiniyak nito na huhulihin at kakasuhan nila ang mga mapagsamantala.

Facebook Comments