Handa na ang Task Force Against Corruption na tanggapin ang resulta ng imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban sa mga sinasabing katiwalian sa mga infrastructure projects na kinasasangkutan ng mga kongresista.
Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakipag-ugnayan na ang PACC sa task force hinggil sa resulta ng kanilang pagsisiyasat sa mga korapsyon sa public works projects kung saan dawit ang ilang kongresista.
Ayon sa kalihim, malaki ang tulong ng PACC report para mapabigat pa ang mga kasong ihahain sa Office of the Ombudsman lalo na’t patuloy ang kanilang imbestigasyon at case buildup.
Magpapatuloy naman aniya ang PACC sa aktibong imbestigasyon dahil myembro ito ng Task Force Against Corruption.
Facebook Comments