Persons of interest sa Dacera case, isasailalim ngayong araw sa lie detector test sa NBI

263

Isasalang ngayong araw sa lie detector test sa NBI ang basketball player na si Justin Rieta at ang mga kasama nitong persons of interest sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Sila ay pawang mga guest sa room 2207 ng City Garden Grand Hotel.


Sila rin ang nasa loob ng nasabing kwarto na makailang beses pinuntahan ni Christine Dacera bago ito natagpuang patay nitong January 1, 2021.

Ang lie detector test ng NBI sa persons of interest ay bahagi pa rin ng NBI parallel investigation sa pagkamatay ni Dacera.

Kahapon, una nang sumailalim sa drug test sa NBI ang naturang persons of interest.

Facebook Comments