Package na naglalaman ng hinihinalang cocaine, natagpuan sa Quezon Province

Quezon Province – Isang pack ng puting substance na pinaniniwalaang cocaine ang natagpuan sa Barangay Villamanzano Norte sa Perez, Quezon Province.

Sa inisyal na imbestigayson ng Perez Municipal Police Station, lumabas na ang package ay nakita ng isang estudyante alas 3:00 Martes ng hapon habang nangongolekta ito ng mga kabibi sa dalampasigan.

Nang butasin ay nakita niya ang puting substance na may mabahong amoy kaya iniwan lang ito ng estudyante kung saan niya ito nakita.


Pero nang mapanood ang balita sa bloke ng cocaine na nakita sa bayan ng Mauban ay sinabi niya ito sa kanyang mga magulang.

Dinala ang package sa provincial laboratory sa Lucena City para sa pagsusuri.

Nakipag-ugnayan naman ang pulisya sa ibang mangingisda sa iba pang posibleng cocaine na makita sa lugar.

Facebook Comments