Pacman, dapat magretiro na – Coach Freddie Roach

Manila, Philippines – Matapos ang pagkatalo sa Australian boxer na si Jeff Horn, naniniwala ang Hall of Fame trainer na si Freddie Roach na dapat nang magretiro sa boxing si eight division world champ Manny Pacquiao.

Ayon kay Roach – masinsin na kakausapin niya si Pacquiao upang payuhan na magretiro na lalo na’t wala na siyang dapat pang patunayan sa dalawamput dalawang taon ng kanyang boxing career.

Naniniwala si Roach na ito na ang tamang panahon para tuluyan nang tuldukan ng Pinoy ring icon ang kanyang karera sa boxing.


Naging kontrobersyal ang laban nina Pacquiao at Horn dahil umano sa pandaraya at walang mahusay na karanasan ng referee.

Bunsod nito, nanawagan si Roach para imbestigahan ang American judge na si Waleska Roldan na tatlong rounds lang ang ibinigay kay Pacquaio gayong aabot sa 182 na suntok ang napatama nito kay Horn.

Facebook Comments