Pacman, patutunayan sa publiko na malakas pa rin sa edad na 40

122

Patutunayan ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa publiko na malakas pa rin siya sa kabila ng edad na 40.

Ayon kay Pacquiao, handa na siyang makaharap sa boxing ring si American Boxer Keith Thurman para sa world welterweight title.


Aminado ang Pambansang Kamao na malakas ang kanyang makakalaban dahil mas bata ito sa kanya.

Kaya naman, todo-todo ang pag-eensayo ni Pacman para sa kanilang paghaharap ni Thurman.

Sumabak na rin si Pacquiao sa kanyang unang session sa sparring bilang paghahanda.

Ayon naman kay coach Buboy, motivated si Pacquiao dahil gusto niyang ilabas ang kanyang impressive performance sa loob ng ring.

Bukod dito, desidido rin siyang mapatumba si Thurman.

Facebook Comments

From Advertisers