Pacquiao – tiwalang hindi mauudlot ang laban matapos na maaresto ang makakalabang si Broner

Manila, Philippines – Hindi nagaalala si Sen. Manny Pacquiao sa ulat na naaresto kamakailan ang kanyang makakalaban na si dating four-division champion Adrien Broner.

Inaresto kasi si Broner habang naghahanda sa kanyang laban sa Enero dahil sa bigong pagdalo sa kanyang mga kasong may kinalaman sa traffic violations.

Ayon pa sa Pambansang Kamao ay tuloy na tuloy ang kanilang laban sa MGM Grand ni Broner dahil alam nito kung gaano kahalaga ang kanilang magiging laban bilang isang professional boxer.


Facebook Comments