Pacquiao, uhaw sa knockout win – patutumbahin si Horn sa loob lang ng limang rounds

46

Manila, Philippines – Kayang patulugin ni eight-division world champion Manny Pacquiao si Australian Boxer Jeff Horn.

Sabi ni dating Philippine Olympic Committee Chairman Monico Puentavella – kung gugustuhin ni Pacman ay kayang-kaya umano nitong patumbahin si Horn sa loob lang ng limang rounds.

Ito aniya ay dahil uhaw sa knockout win ang Pinoy ring icon matapos ang halos pitong taon na wala itong napapabagsak sa ring.


Naniniwala naman ang martial artist instructor at black belter ng Japan Karate Association na si Haydel Chumanog na walang kinalaman ang home advantage sa laban nina Pacquiao.

Sa July 2 na gaganapin ang bakbakang Pacquiao-Horn sa Brisbane, Australia.

Facebook Comments