PNP Chief Ronald Dela Rosa, naging guest speaker sa turnover of command para sa bagong Police Regional Office 10 director

227

Northern Mindanao – Naging guest speaker si PNP Chief Ronald Dela Rosa sa isinagawang turnover of command para sa bagong Police Regional Office 10 director, na siya ring retirement honor sa dating director ng kapulisan sa Northern Mindanao kaninang umaga.

Ipinasa na ni outgoing PRO 10 director Chief Supt. Agripino Javier ang kanyang posisyon, kay incoming director Chief Supt. Timoteo Pacleb sa pamamagitan ng isang seremonya sa Camp Alagar, Brgy. Lapasan nitong lungsod.

Ito’y alinsunod sa kautusan ni PNP chief Ronald Dela Rosa noong ika-dalawampu ng Hunyo mula sa National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.


Naging pinakamataas na opisyal sa PNP 10 si Javier mula ika-dalawampu ng Disyembre sa nakaraang taon hanggang ika-dalawamput dalawa ng Hunyo nitong taon.

Samantala, si Chief Supt. Pacleb naman ang naging dating director ng PNP Intelligence Group sa Camp Crame mula noong ika-dalawamput apat ng Pebrero.

Facebook Comments