
Patuloy na nagpaabot ng tulong ang Philippine Air Force (PAF) sa mga komunidad na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Tino.
Dineploy ng PAF ang C-130 Hercules at C-295 medium lift aircraft upang maghatid ng mga kinakailangang relief goods sa Mactan, Cebu.
Mula sa Colonel Jesus Villamor Air Base sa Pasay City, isinakay sa mga nasabing sasakyang panghimpapawid ang nasa 652 kahon ng iba’t-ibang food packs, 81 sets ng filtration kits, 495 na kahon ng hygiene kits, mga gamot, at iba pang esensyal na suplay.
Dadalhin ang mga nasabing items sa Brigadier General Benito N. Ebuen Air Base sa Mactan, Cebu upang agad na maipamahagi sa mga nangangailangang residente.
Kaugnay nito, ang nasabing operasyon ay naging posible dahil na rin sa koordinasyon at pakikipagtulungan ng ahensya sa Office of Civil Defense (OCD), Department of Health (DOH), iba pang ahensya ng pamahalaan, at mga humanitarian partners nito.









