PAF, tuloy-tuloy sa paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng

Tiniyak ng Philippine Air Force (PAF) na maliban sa search and rescue operations, tutulong din ang kanilang pwersa sa relief operations.

Ayon kay Air Force Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castilo, nakapagsagawa na ang kanilang S-70i Black Hawk at Bell 412 helicopters ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis sa Cotabato at Maguindanao na labis na naapektuhan ng Bagyong Paeng.

Kasabay ng naturang misyon, naghatid din sila ng relief goods sa munisipalidad ng Lebak, Palimbang, at Kalamansig sa Sultan Kudarat Province at Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao.


Samantala, iniulat din ng Air Force na naihatid na rin nila sa ang relief goods sa General Santos City Airport na ipamamahagi naman sa mga apektadong komunidad.

Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Air Force sa mga lokal na pamahalaan para sa anumang pangangailangan.

Facebook Comments