MANILA – Ipinagbabawal muna ng gobyerno ang pag-aangkat ng manok, pato at iba pang poultry products mula sa mga bansang apektado ng avian influenza o bird flu.Kabilang na rito ang South Korea, the Netherlands, France at Germany.Maliban dito, ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol – nagpatupad din ng temporary ban sa mga bansang nag-aangkat ng poultry products.Tanging ang mga manok at pato lamang na galing sa Amerika, Canada at Australia na hindi apektado ng bird flu ang papayagang makapasok sa Pilipinas.Paliwanag pa ni Piñol, mananatili ang total ban hangga’t may problema ng bird flu.Kasabay nito, tiniyak ng kalihim na wala itong magiging problema sa lokal na merkado dahil sobra-sobra ang suplay.
Facebook Comments