Sisimulan na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang sariling pag-aaral sa posibleng paggamit ng Marijuana bilang gamot.
Matatandaan na noong 17th Congress ay inaprubahan ng Kamara ang panukala hinggil sa paggamit ng medical Marijuana pero bigo itong maaprubahan ng Senado.
Noong Lunes, muli itong inahain sa Senado kasabay ng pagbubukas ng 18th Congress.
Nakapaloob sa panukala ang pagtatayo ng medical cannabis compassionate centers kung saan mino-monitor ang pagbebenta at distribution ng medical marijuana para sa mga kwalipikadong pasyente.
Ayon kay PDEA Spokesperson Dir. Derrick Carreon, inaasahan nilang makakatulong sa Kongreso ang magiging resulta ng kanilang pag-aaral sakaling maaprubahan ang panukala.
Facebook Comments