Aabot sa P100-million ang ilalaang pondo para sa pag-aaral sa ‘real-world effects’ ng mga bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Usec. Rowena Guevara, target na simulan ang pag-aaral sa Hunyo sa may 1,000 indibidwal na nabakunahan na ng COVID-19.
Pangungunahan aniya ito ni Dr. Nina Berba ng University of the Philippines Manila.
Maliban dito, layon din ng pag-aaral na makita ang tagal ng efficacy ng COVID-19 vaccines.
Inamin naman si Guevara na hanggang ngayon ay inaantay pa nila ang approval ng Food and Drug Administration (FDA) para sa pag-aaral na ito.
Facebook Comments