Pag-aaral sa Virgin Coconut Oil kontra COVID-19, suportado ng DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) na suportado nila ang isinasagawang pag-aaral ukol sa paggamit ng Virgin Coconut Oil (VCO) upang makatulong sa mabilis na paggaling ng isang indibidwal na tinamaan ng COVID-19.

Matatandaan na sa loob ng 28 araw ay inobserbahan ng DOST-FNRI ang 57 probable at suspect cases para sa virus sa Sta. Rosa, Laguna.

Ang mga ito ay pawang nasa 20 anyos pataas at walang iniindang problema o sakit sa puso.


Binigyan naman ng VCO ang kalahati sakanila kabilang ng kani-kanilang pagkain habang ang isang kalahati naman ay nagsisilbing control group na hindi binigyan ng VCO.

Samantala, base sa isang pag-aaral, ang sintomas sa isang taong tinamaan ng COVID-19 na nilagyan ng VCO ay bumaba sumunod sa ikalawang araw at nawawala na nang tuluyang noong ika-18 araw.

Bukod pa rito, bumaba rin ang C-reactive protein levels na tumutukoy sa infection level ng isang indibidwal.

Facebook Comments