PAG-AARALAN | DOTr, pinag-aaralan na ang posibilidad ng pagbibigay ng fuel vouchers sa iba pang PUV

Manila, Philippines – Sisimulan na ng Department of Transportation (DOTr) na ipamahagi ang fuel voucher sa mga lehitimong jeepney drivers sa katapusan ng Hunyo.

Sa interview ng RMN DZXL Manila kay Transportation Undersecretary Tim Orbos, ito ay bilang ayuda sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law sa mga mahihirap na Pilipino.

Ayon kay Orbos, nagkakahalaga ang bawat fuel voucher ng P2,000 per unit ng jeep na ibibigay kada buwan sa mga operator.


Inihayag din ni Orbos na isusunod na rin nila ang iba pang Public Utility Vehicles (PUV) sa bansa gaya ng mga bus at tricycle.

Target ng DOTr na mabigyan ng subsidiya sa langis ang nasa 179,000 na mga pampublikong transportasyon sa buong bansa.

Facebook Comments