PAG-AARALAN | Pagpapadala ng mga OFWs sa Russia, pinag-aaralan na ng DOLE

Manila, Philippines – Tinitignan ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang labor market regulations at mga polisiya ng Russia.

Ito ayon ay Labor Secretary Silvestre Bello III, ay dahil isa ang Russia sa mga napipisil nila na maging alternatibong bansa na pagdadalhan sa mga nagnanais magtrabaho abroad, kasunod pa rin ito ng deployment ban na ibinaba ng DOLE sa Kuwait.

Ayon sa kalihim, gumugulong na ngayon ang usapan sa pagitan ng DOLE at ng Russian Republic kaugnay dito.


Bumuo na rin sila ng Technical Working Group (TWG), na tututok sa pagbuo ng agreement sa deployment ng mga OFW sa lugar.

Ang binuong TWG ay kinabibilangan ng Undersecretary for Legal and International Affairs, POEA Administrator, OWWA Administrator, the International Labor Affairs Bureau (ILAB), at DOLE Legal Service.

Facebook Comments