PAG-AARALAN | Paniningil ng mga telecommunication at credit card companies para sa mga billing na nakaimprenta sa papel, iimbestigahan sa kamara

Manila, Philippines – Iimbestigahan sa Kamara ang paniningil ng bayad ng telecommunication at credit card companies para sa mga billing na nakaimprenta sa papel.

Ayon kay House Deputy Speaker Representative Gwendolyn Garcia, iimbestigahan nila ang paniningil sa papel na billing bago pa man ito ipatupad sa Hunyo.

Sabi ni Department of Trade and Industry Under Secretary Ruth Castelo, susulat sila sa mga Telco at credit card companies para sabihan na huwag ng maningil ng charge sa paper bill.


Tiniyak naman ni Alex Ilagan, executive director ng Credit Card Association of the Philippines, na bukas silang malaman ang mga punto ng mga mambabatas at DTI.

Gayunman, aminado ang DTI at Bangko Sentral na hindi nila maaaring ipatigil ang paniningil dahil sa kawalan ng batas.

Facebook Comments