Panahon na upang maunawaan ng International Criminal Court (ICC) na ginagamit lamang ito ng mga kritiko ng administrasyon upang sirain ang reputasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang reaksyon ng Malacañan sa pag-atras o pagwi-withdraw ni Atty. Jude Sabio sa crimes against humanity complaint na inihain nito laban sa pangulo sa ICC.
Iginiit ni Sabio na bahagi na ang naturang reklamo ay bahagi lamang ng political propaganda ng oposisyon sa pangunguna ng liberal party.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat na ring kilalanin ng ICC na wala itong jurisdiction sa Pilipinas dahil ang Rome statute na natagtag dito ay walang legal enforceability sa Pilipinas.
Kaugnay nito, binatikos din ni panelo si Dating Senador Antonio Trillanes IV na itinuro niyang nasa likod ng pagbabayad upang magsampa ng reklamo ni Sabio.
Hindi na umano nakabayad ng professional legal fees si trillanes dahilan upang i- withdraw ni Sabio ang naturang reklamo sa ICC.