Pag-aayos ng mga kalsada sa EDSA at C-5 nagpatuloy ngayong linggo ayon sa DPWH

Manila, Philippines – Nag-abiso ang pamunuan ng Department of Public Works and Highways sa mga motorista sa ilang mga kalsada na isasara ang ilang linya sa C-5 Road at Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) simula noong biyernes ng gabi para bigyang daan ang pagkukumpuni.

Ayon kay DPWH-National Capital Region Director Ador Canlas binigyan na sila ng pahintulot mula sa Metropolitan Manila Development Authority upang magsagawa ng pagkukumpuni sa Timog bahagi ng EDSA mula sa Lagarian Creek hanggang Ermin Garcia, 2 linya mula sa sidewalk.

Paliwanag ni Canlas sa C-5, ay ipatutupad ang pagsasaayos sa southbound directions, pagkatapos ng Lanuza Avenue bago makarating sa Bagong Ilog Flyover at harapan ng SM Aura.


Kinukumpuni rin nag bahagi ng northbound direction ng Ramon Magsaysay Boulevard papuntang Cubao, mula Ramon Magsaysay Bridge papuntang Pureza Street sa Manila.

Lahat ng mga apektadong kalsada ay inaasahang muling bubuksan sa lunes ng alas 5 umaga sa mga motorista.
Pinayuhan ang mga motorista na humanap ng ibang posibleng alternatibong ruta dahil sa inaasahang mabagal ang usad ng mga sasakyan dulot ng naturang pagkukumpuni.

Facebook Comments