Imumungkahi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na i-accommodate ng ilang Local Government Units (LGUs) ang mga taga ibang lungsod sa Metro Manila na gustong magpabakuna.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Abalos na partikular dito ang mga LGU na naabot na ang target population ng mga naturukan na ng COVID-19 vaccines.
Kasunod nito, ayon kay Pateros Mayor Ike Ponce ay tinaasan pa nila ang target na populasyon ng mababakunahan mula sa 70 percent hanggang 80 percent.
Samantala, masyado pa raw maaga sa ngayon para pag-usapan kung palalawigin pa o hindi na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.
Facebook Comments