Pag-alis sa moratorium sa oil exploration, makakatulong para matiyak ang sapat na suplay ng enerhiya sa bansa

COURTESY: SENATE OF THE PHILIPPINES FB

Welcome development para kay Senator Sherwin Gatchalian ang pag-alis ni Pangulong Rodrigo Duterte sa moratorium sa oil and gas exploration sa West Philippine Sea.

Ayon kay Gatchalian, makatutulong ito sa pagtiyak ng sapat na suply ng enerhiya sa bansa sa darating na mga taon.

Sinabi ni Gatchalian, mainam na natyempo ito sa harap ng papaubos na supply mula sa Malampaya gas field na siyang pinanggagalingan ng 20 porsyento ng power supply sa buong bansa at 30 porsyento naman sa buong Luzon.


Umaasa rin si Gatchalian na magbubukas ito ng oportunidad para sa pagpasok ng mas maraming mamumuhunan sa Philippine Conventional Energy Contracting Program na layuning paghusayin o linangin ang ating indigenous energy resources.

Facebook Comments