Pag-amyenda sa Juvenile Justice Act, suportado ni Senator Ejercito

Manila, Philippines – Napapanahon na para kay Senator JV Ejercito na amyendahan ang Juvenile Justice and Welfare Act, na natatakda na edad kinse pataas ang pwedeng sampahan ng kasong kriminal.

Katwiran ni Ejercito, maganda ang intensyon ng batas pero inabuso ito ng mga kriminal sa pamamagitan ng paggamit ng mga bata sa kanilang ilegal na aktibidad.

Bunsod nito ay suportado ni Ejercito ang nais ni President Rodrigo Duterte na ibaba sa siyam na taong gulang ang pwedeng maharap sa kasong kriminal.


Ayon kay Ejercito, sa kanyang karanasan bilang mayor ng San Juan ay kadalasang ginagamit ng mga sindikato ang mga bata na hindi pwedeng mapanagot sa batas.

Ikinwento pa ni Ejercito, na yaong mga nahuhuli nilang teenagers sa San Juan ay may nakahanda na agad photocopy kanilang birth certificates para agad silang mawalan ng pananagutan sa krimen na kanilang isinagawa.

Mahigit isang taon na aniyang umiiral ang nabanggit na batas kaya dapat na itong repasuhin ngayon.
Nation”

Facebook Comments