Senator Lacson, intresadong malaman kung sino ang gumagastos sa pagtungo sa abraod ni Lascañas at kanyang pamilya

24

Manila, Philippines – Hindi na isyu para kay Committee on Public Order Chairman Senator Lacson kung biglang lumabas ng bansa si SPO3 Arthur Lascañas.

Sabi ni Lacson, bago pa man tumestigo si Lascañas sa Senado ay nauna ng nagtungo sa Singapore ang pamilya nito.

Ito marahil ang personal na dahilan ni Lascañas kaya lumabas din siya ng bansa.

Hindi rin naman aniya tahimik ang paglabas ng bansa ni Lascañas dahil alam ito ng isang news reporter.

Ang mas interesado si Lacson na malaman ay kung sino gumagastos sa pagtungo sa ibang bansa ni Lascañas ang kanyang pamilya.

Katwiran ni Lacson, magastos manatili sa Singapore kaya nais niyang malantad kung sino ang naglalabas ng pera para kay Lascañas.

Binabalangkas na rin ni Lacson ang gagawin niyang committee report ukol sa naging pagtestigo ni Lascañas sa Senado kung saan inamin nitong miyembro siya ng Davao Death Squad o DDS at itinuro pa si Pangulong Rodrigo Duterte na nasa likod ng mga pagpatay na isinagawa nila noon.
Nation”

Facebook Comments