Tuesday, March 10, 2026

Pag-amyenda sa Oil Deregulation Law, ipinauubaya na ng DOE sa Kongreso sa harap ng krisis sa langis

Nasa kamay ng Kongreso ang pagtugon sa panawagang pagbasura sa Oil Deregulation Law.

Sa harap ito ng krisis sa langis sa gitna ng giyera sa Middle East.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, ipinauubaya na rin nila sa Kongreso ang posibleng pag-amyenda ng Oil Deregulation Law.

Aniya, ang papel lamang kasi ng Department of Energy (DOE) ay magpatupad ng batas.

Sa ngayon, patuloy ang pagtanggap ng DOE ng mga report hinggil sa pagsasamantala ng ilang gasoline stations sa presyo ng langis.

Facebook Comments