Inaprubahan na ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang pag-angkat sa 60,000 metric tons (MT) na isda.
Layon ng nasabing hakbang na dagdagan pa ang kasalukuyang produksyon ng isda at mapanatili ang suplay ng bansa.
Ayon kay Dar, pinahintulutan ng DA ang pag-angkat ng isda matapos ang rekomendasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) at ilang pribadong sektor sa industriya ng isda.
Kabilang sa mga iaangkat ay galunggong, mackerel at bonito kung saan ibebenta sa mga pampublikong palengke sa Metro Manila.
Facebook Comments