Pag-angkat ng bigas ng Pilipinas, bumaba sa ikalawang kwarter ng taon

Bumaba sa 11% ang pag-angkat ng bigas ng Pilipinas mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI), bumaba ito sa 1.26 million metric tons (MT) mula sa naitalang 1.417 MT nitong nakaraang taon.

Bunsod ito pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado at problema sa pandaigdigang logistical.


Samantala, inihayag din ng United Nations’ Food and Agriculture Organization (FAO) na nananatiling tahimik pa rin ang palitan ng bigas sa Asian markets nitong Hunyo dahil sa logistical bottlenecks at high shipping costs.

Facebook Comments