Pag-angkat ng DA ng karne ng baboy, band-aid solution lang ayon sa alkalde ng Marikina City

Tinawag na band-aid solution lang ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang plano ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng karne ng baboy sa bansa.

Ayon kay Mayor Teodoro, hindi pag-aangkat ang solusyon kung hindi bigyan ng subsidiya ang mga traders sa pamamagitan ng direktang pagbili ng gobyerno sa mga lokal na supplier na siyang ipapasa naman sa mga trader at nagtitinda ng karne sa palengke.

Paliwanag ng alkalde masusubukan dito kung gaano naging maagap ang pamahalaan para tugunan ang kakapusan sa suplay ng karne mula nang manasala sa bansa ang African Swine Flu (ASF) at bird flu na sinamahan pa ng COVID-19 pandemic na siyang dahilan ng pagtaas ng farmgate price ng manok at baboy sa bansa.


Una nang sinabi ni Mayor Teodoro na sa ngayon ay wala silang nagiging problema sa suplay ng karne dahil may napagkukuhanan pa naman sila mula sa mga local hog raiser sa Rizal at karatig-lugar.

Facebook Comments