Kinalampag ni Deputy Speaker Munir Arbison ang Korte Suprema na aksyunan na ang petisyong may kaugnayan sa kinukwestyong voting centers sa lalawigan ng Sulu.
Ayon kay Arbison, nagkaroon ng pagsasa-ayos ng mga voting centers ang Commission on Elections sa mga polling centers na disadvantageous sa mga botante.
Kabilang anya rito ang island barangay ng Capual na mayroong 3,000 registered voters pero ang kanilang presinto ay nasa mainland at mahigit 3 kilometro ang ibinabyahe ng mga botante.
Sinabi ni Arbison na nananatili ang Sulu kung saan ang mga voting centers ay namamanipula ng mga lokal na opisyal.
Nagkaroon anya ng correction ang Comelec pero ito ay ipinahinto ng Supreme Court dahil sa petisyon ni dating Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na abogado ni dating Sulu Governor Abdul Sakur Tan.
Lumalabas din anya na sa ilalim ng pamumuno noon ni Brillantes sa Comelec nangyari ang erroneous clustering ng mga presinto sa request ng mga Tan.