Pag apaw ng Tubig sa Magat River, Ibinabala ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ng Isabela

Ilagan, Isabela – Nagbigay pabatid ang Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (Isabela PDRRMC) sa lahat ng mamamayan na naninirahan malapit sa ilog Magat na ang National Irrigation Administration (NIA) ay kasalukuyang nagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam Reservoir.

Ang pagpapakawala ng tubig ay buhat pa noong alas kuwatro ng Agosto 25, 2017 at sa kasalukuyan ay dalawang gate ang bukas kung saan pinapakawalan ang 1014 kubiko metriko na tubig kumpara sa inflow na 926 kubiko metriko.

Ang Magat Dam batay sa tala kaninang alas nuebe ng gabi, Agosto 26, 2017 ay mayroon taas na 189.97 metro kumpara sa spilling level na 192 metro.


Sa kabutihang palad ay nakalabas na sa Pilipinas ang bagong Jolina at humupa na rin ang buhos ng ulan sa mga watershed areas ng ilog. Pinayuhan din ang mga mamamayan na manatiling naka monitor sa kalagayan ng pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam.

Samantala, mayroon naitala na 120 pamilyang evacuess mula sa mga coastal towns ng Isabela at ito ang mga bayan ng Maconacon, Divilacan at Dinapigue. Ang mga evacuees ay papauwiin na rin sa kani kanilang bahay matapos makalabas na ang bagyo sa bansa.

Ang isabela PDRRMC ay patuloy namang nangangalap ng mga datos buhat sa ibat ibang bayan ng lalawigan lalo na sa epekto sa pinaka pangunahing produktong mais at palay ng lalawigan ng isabela.

Facebook Comments