Pag-apruba sa mga reclamation projects, inilipat ng Pangulo sa ilalim ng kanyang tanggapan

Manila, Philippines – Inilipat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng kanyang tanggapan ang kapangyarihan na mag-apruba ng mga reclamation projects at tinanggal ito mula sa National Economic Development Authority (NEDA).

Batay sa Executive Order number 74 na inilabas ng Malacañang ay inililipat ni Pangulong Duterte ang Philippine Reclamation Authority (PRA) sa Office of the President at ito narin ang magaapruba o hindi ng mga reclamation projects.

Ang PRA ay dating nasa ilalim ng pangangaiswa ng Department of Environment and Natural Resources.


Pero batay din sa EO ay may kapangyarihan si Pangulong Duterte na palitan o kanselahin ang anomang magiging desisyon ng PRA Governing Board kaygnay sa anomang reclamation project.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang nasabing noong February 1.
Ito naman ay inilabas sa harap narin ng balita na magkakaroon ng mga reclamation projects sa Manila Bay.

Facebook Comments