Dinagsa ng mga residente mula sa apat na clustered barangays ng Bolinao ang inilunsad na programang PhilHealth Konsulta plus GUICOnsulta.
Pinangunahan ni Gov. Ramon V. Guico III at Vice Gov. Mark Lambino ang paglunsad ng programa, na naglalayong magbigay ng libreng PhilHealth enrolment, checkup, at gamot.
Sagot naman ng GUICOnsulta ang cash incentive na nagmumula sa pondo ng pamahalaang panlalawigan.
Sa mensahe ni Gov. Ramon Guico III, binigyang diin niya ang kahalagahan ng nasabing programang pangkalusugan.
Ani Governor Guico, ’Pag malusog tayo, mahaba buhay natin, productive tayo, makakapagtrabaho tayo. Taun-taon nating gagawin ang GUICOnsulta hahaba ang buhay, magiging pinakamalusog na lalawigan ang probinsya ng Pangasinan sa buong Pilipinas.
Kasamang sumoporta sa Guiconsulta Launching sina 1st District Board Members Apple Bacay at Nong Fontelera, Abono Partylist Representative Dr. Bobby Estrella, 1st District Congressman Art Celeste, chief of hospitals, mga department heads mula pamahalaang panlalawigan, at mga lokal na opisyal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨