141 EXAMINEES, SASAILALIM SA MASTER PLUMBERS LICENSURE EXAMINATION

Nakatakdang sumailalim sa Master Plumbers Licensure Examination ang nasa mahigit isang daan indibidwal sa darating na February 20 at 21, 2025. Sa tala ng Professional Regulation Commission (PRC) – Regional Office I, kabuuang isang daan at apatnapu’t-isang examinees ang kukuha ng pagsusulit sa Casanicolasan Elementary School, Brgy. Casanicolasan, Rosales, Pangasinan.

Nagpaalala ang PRC Region 1 na dalhin ang mga kakailanganing gamit tulad ng Notice of Admission, No. 2 pencil, black ballpen, long brown envelope, at long transparent plastic envelope, at calculator na may mga pangunahing features lamang.

Dagdag ng ahensya, idownload na ang Examination Program tatlo o limang araw bago ang eksaminasyon upang maiwasan ang anumang aberya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments