PAGKONSIDERA SA KALIKASAN NGAYONG CAMPAIGN PERIOD, IGINIIT NG BAN TOXICS

Iminungkahi ng BAN Toxics, isang environmental watchdog, sa mga kumakandidato ang pagsasaalang-alang din sa usaping pangkalikasan ngayong umpisa na ang panahon ng pangangampanya para sa Midterm Elections.

Dahil inaasahan na ring mag sisilabasan ang gagamiting mga campaign materials ngayong campaign period, ipinaalala nito ang pahayag ng Commission on Elections (COMELEC) ukol sa paggamit ng mga biodegradable materials upang mabawasan ang mga kalat at dumi ngayong panahon.

Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 11086, section 7, nakasaad dito ang ‘Environmentally Sustainable Election Propaganda’ kung saan hinihikayat ang mga kumakandidato na gumamit ng recyclable at environment-friendly na mga materyales maging ang pag-iwas sa mga materyales na naglalaman ng mapanganib na kemikal at substance sa paggawa ng kanilang kampanya at propaganda sa halalan.

Dagdag ni BAN Toxics Campaign and Advocacy Officer Thony Dizon, ang ipinagbabawal na pagkakabit ng campaign materials sa mga puno na naka-ayon sa Republic Act 3571.

Naniniwala ang Non-Government Environmental Organization na isa ang pagiging makakalikasan sa dapat ding taglayin ng isang tunay na lider. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments