
Para kay Bataan Rep. Geraldine Roman, ang pagsilbi ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ay patunay na walang sinuman ang dapat mangibabaw sa batas.
Ayon kay Roman, napatunayan ngayon na ang Plipinas ay nagbibigay respeto sa mga prosesong nakabase sa patakaran at batas na umiiral sa ating bansa at sa buong mundo.
Giit ni Roman, kailangan talagang makipagtulungan tayo sa International Criminal Police Organization (InterPol) lalo’t tinutulungan din nila tayo tulad sa paghahanap noon kay dating Bamban Mayor Alice Guo.
Pinaalala rin ni Roman na ilang beses na inamin ni dating Pangulong Duterte na iniutos nya mismo ang pagpatay sa maraming tao lalo na sa panahon ng pamumuno nito sa bansa.









