
Nakaalerto ang Quezon City Police District (QCPD) sa mga posibleng kilos-protesta matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay QCPD Spokesperson Police Captain Febie Madrid, patuloy ang pagbabantay nila sa sitwasyon partikular sa mga rally area.
Gayunpaman, inihayag ni Captain Madrid na wala namang direktiba sa kanila kung dapat magtaas ng alerto.
Sa ngayon aniya, may direktiba si QCPD Director Police Colonel Melecio Buslig Jr. na tiyakin ang seguridad ng mga magkikilos-protesta at siguruhing walang maabalang ibang sibilyan.
Facebook Comments