Pinagpapaliwanag ni Senator Panfilo Ping Lacson ang Department of Justice o DOJ at National Bureau Of Investigation o NBI.
Kaugnay ito sa pag-aresto sa nag-upload ng bikoy video na nagdadawit sa ilegal drug trade sa pamilya at ilang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Tanong ni Lacson, tama ba at legal ang pag-aresto sa uploader ng nabanggit na video.
Paliwanag ni Lacson, sa ilalim ng Revised Penal Code, pwede lamang gamitin ang warrantless arrest kung ang krimen ay nasa aktong isinasagawa, gagawin pa lang at kakatapos lang gawin.
Sa kabila nito ay hindi naman masabi ni Lacson kung nagkaroon ba ng pag-abuso sa kapangyarihan ang mga otoridad sa nangyaring pag-aresto dahil hindi niya alam ang buong pangyayari.
Naniniwala din si Lacson na hindi nag-iisa si bikoy dahil siguradong may mga kasama ito na gumawa ng nasabing viral video.