Show cause order, isisilbi ng DILG sa mga baranagay official na hindi nakikiisa sa Manila bay rehabilitation project

Nakatakdang silbihan ng show cause order ng Department of  Interior and Local Government laban sa ilang mga barangay captain na hindi nakibahagi sa  Manila bay rehabilitation project.

 

Ayon kay DILG USEC for barangay Affairs, Martin Diño, mula  sa 5,714 na barangay, isang libo dito ang dinedma ang  memorandum circular na nag aatad sa mga ito na magsagawa ng weekly clean – up drive sa watershed area ng Manila bay.

 

Sinabi bi Diño na partikular na padadalhan ng show cause order ang ilang mga barangay captain ng Region 3, 4-A at NCR.


 

Pagpapaliwanagin ng DILG ang mga barangay official kung bakit hindi sumusunod sa inilabas na kautusan ng DILG.

 

Babalani Diño,  posibleng matanggal sa puwesto ang barangay official na hindi ginagampanan  ang kanyang tungkulin o di kaya ay maaring makasuhan sa Office of the Ombusdman.

Facebook Comments