VP Robredo, iginiit na pambabastos sa bansa ang inasal ng isang Chinese nat’l sa isang pulis

251

Isang kalapastangan at walang pakundangan para kay Vice President Leni Robredo ang inasal ng isang babaeng Chinese sa isang pulis sa isang himpilan ng Metro Rail Transit (MRT) line 3 nitong Sabado.

Nabatid na tinapunan ng taho ng 23-anyos na si Jiale Zhang si PO1 William Cristobal.

Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, iginiit ni Robredo na pambabastos hindi lamang sa awtoridad, pero maging sa bansa ang ginawa ng dayuhan.

Umaasa ang Bise Presidente na maging “wake-up call” ito sa bansa lalo at patuloy pa ring nababatos ang mga Pilipino sa kabila ng pakikipagkaibigan sa China.

Facebook Comments