Sa ibinahaging impormasyon ng DA Region 2, mula Abril 4 hanggang 8 taong kasalukuyan, ang nasabing tanggapan ay may nakita o namonitor na harabas o mas kilalang Fall Armyworm (FAW) sa bayan ng Aurora at Cabatuan, Isabela.
May nakita rin leaf folder sa mga palayan sa bayan ng San Pablo, Isabela at Diffun, Quirino kung saan halos kulay puti na ang mga dahon at mismong bungang palay dahil kinakain ito ng larvae.
Nakapagtala rin ang bayan ng Cabatuan at San Mateo, Isabela ng pinsala ng mungbean pod borer at eggplant shoot and fruit borer.
Kaugnay nito, agad na nagbigay ng tulong teknikal ang Kagawaran sa mga apektadong magsasaka.
Nagbigay din ng payo ang pamunuan ng Regional Crop Protection Center 02 na kung may nakita o naitalang pag atake ng mga iba’t-ibang insekto at sakit ay agad na ipagbigay alam sa nasabing tanggapan upang di na lumaganap ang mga nasabing sakit at peste ng mga pananim.