MANILA – Naniniwala si Sen. Panfilo Lacson na walang basehan ang hindi pagtuloy ng Amerika sa pagbebenta ng mga baril sa Philippine National Police (PNP).Ayon kay Lacson, hindi matibay na basehan ang isyu ng umanoy paglabag sa karapatang pantao na nagaganap sa bansa para hindi ituloy ng US department sa pagbebenta ng 26 na libong assault rifles sa PNP.Giit ni Lacson – walang kahit anong imbestigasyon ang mayroon conclusion na susuporta sa posisyon ni US Senator Ben Cardin na humarang sa nabanggit na transaksyon sa katwirang talamak umano ang state-sanctioned human rights violations sa Pilipinas na may kaugnayan sa pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga.Binigyang diin ni Lacson na ang argumento ni Senator Cardin ay pawang opinyon lang niya.Una ng sinabi ni Lacson na hindi naman kawalan kung hindi na matuloy ang pagbili ng bansa ng armas sa Amerika dahil tiyak na marami namang gun store sa ibang bansa na dekalidad ang mga produkto at posibleng mas mura pa.
Pag-Atras Sa Pagbenta Ng Baril Ng Amerika Sa Pilipinas, Walang Basehan Ayon Sa Paniniwala Ng Isang Senador
Facebook Comments