Kakaibang diskarte ang naging puhunan ng isang negosyo upang kumita ng pera kahit nasa gitna ng pandemya ang bansa at marami ang nawalan ng trabaho.
Sa pamamagitan ito ng pag-iisip ng paraan para makaayon sa mga pangunahing pangangailangan.
Sa interview ng Business as Usual, ibinahagi ng may-ari ng REBORN51 na si Redd Manzano ang kaniyang ginawa upang manatiling matatag ang negosyo sa kabila ng pandemya.
Isa na rito ang pag-isip ng iba’t ibang gimik hindi lamang upang magkaroon ng kita kundi maging ehemplo at makatulong sa iba.
Maliban sa mga PPEs, nagbebenta rin ng kakaibang style ng mga damit ang REBORN51.
Magtungo lamang sa kanilang facebook page na REBORN51at dito na makikita ang kakaiba nilang disenyo na tiyak na papatok sa panlasa ng lahat.