Saturday, August 22, 2026

Pag-block sa mga online content na marahas, suportado

Kaisa ang Globe sa mga hakbang para pigilan ang access sa online content na nagpapakita o nag-uudyok ng pamamaril sa paaralan at iba pang karahasan, lalo na para maprotektahan ang mga bata at kabataan.

Ayon sa Globe, matagal na nitong isinasagawa ang proactive network-level blocking bilang bahagi ng mga hakbang sa online safety.

Noong 2025, umabot sa 438,446 domain at URL na naglalaman ng child sexual abuse and exploitation materials ang hinarang ng kompanya, kasabay ng mahigit US$2.7 milyon na inilaan sa advanced content filtering at blocking systems.

Pinalawak din ng Globe ang mga hakbang nito upang masaklaw ang non-photographic imagery at, simula Agosto 2024, maging ang AI-generated child sexual abuse materials.

Kaugnay ng mga nagdaang karumal-dumal na insidente, sinabi ng Globe na hinaharang din nito ang daan-daang websites na nag-i-stream o nagho-host ng ilegal na gore-related content at iba pang materyal na may kaugnayan sa matinding karahasan, alinsunod sa mga kautusan ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Facebook Comments